Social Icons

Pages

Dec 16, 2007

Simbang Gabi

Simbang Gabi ay kilalang kilala na tradisyon ng mga Filipino sa ating bansa. Kung saan ang mga Simbahan ng mga katoliko sa buong bansa ay bukas mula alas 3 ng madaling araw para sa mananampalataya ng simbang gabi. Siyam na araw simula December 16.

Sa ibang lugar ay isinasadula nila ang panulayan. Kung saan ipinapakita ang kapanganakan ni Jesus Christ.

Bagamat sa paglipas ng panahon, noon at ngayon ang pagdiriwang ng simbang gabi ay nanatiling buhay sa ating mga kristiyano. Bahagi ng pagdiriwang ay ang magagara at maningning na ilaw sa mga kalye at malalaking gusali, mga puno na numumunga ng maningning na ilaw, kay gandang masdan.

Naggagandahang parol ay nakasabit sa mga bintana. Magagadang awiting tungkol sa christmas ang pinatutugtog sa mga radio. Mga palabas sa TV tungkol sa pasko.

Pamipamilya, magkaibigan, nagiibigan at bawat isaay gumagawa ng paraan upang maka attend ng siyam na araw na simbang gabi. Sa ika 24 naman ng Disyembre bago mag 25 ang pamilya ay nagtitipon tipon at umaatend ng misa de gallo.

Palatandaan din sa pagdiriwang ng pasko ay ang masasarap ng puto bungbung, puto pepay, bibingka, queso de bola at marami pang iba.
Ngunit ano nga ba ang kahalagahang ng Simbang gabi. ang popular na tradisyon sa ating bansa. Ito ba ay isang uri lamang ng tradisyon na ipinagdiriwang .

Sa sarili mo, ano ba ang simbang gabi.Ano ba ang pasko.

Merry Christmas sa inyong Lahat.

3 comments:

bluedreamer27 said...

hooray nakaka dalawa na ako
hopefully makupleto ko para matupad ko ang mga wish ko
maligayang pasko at manigong bagong taon kabayan

Anonymous said...

Novena ng siyam na araw.

Antique Slot Machines said...

I consider, that you have deceived.

Lotto Results

 
There was an error in this gadget

Today Quotes