Social Icons

Pages

Dec 6, 2007

Mabuti pa siya

Mabuti pa siya
hinihimas
Mabuti pa siya
minamasahe
Mubuti pa siya
may sariling kwarto
Mabuti pa siya
Kompleto sa gamit
Mabuti pa siya
Kompleto pagkain
Mabuti pa siya
nasa tamang oras ang kain
Mabuti pa siya
hindi nakakalimutan
Mabuti pa siya
kompleto vitamina
Mabuti pa siya
ginagastusan
Mabuti pa siya
laging may pasalubong
Mabuti pa siya
ipinagiipon ng pera
Mabuti pa siya
may gamot sa sipon
Mabuti pa siya
naaalala
Mabuti pa siya
mamahalin ang pagkain
Mabuti pa siya
manalo sa laban
Para masulit
alaga ni tatay
sa panabong
niyang inaalagaan

No comments:

Lotto Results

 
There was an error in this gadget

Today Quotes