Social Icons

Pages

Dec 4, 2007

Kasabihan sa tambayan

Ang kasabihan ay mga kawikaan na ginagamit ng matatanda noon upang magsilbing payo at gabay sa pamumuhay.

Ang mga sumusunod na kasabihan ay napagkukwentuhan lamang sa tambayan.
At hindi gaya ng Kasabihan na ating kinagisnan.

Heto ang mga sumusunod na kasabihan.
Ang naglalakad ng matulin ayaw ma late sa time-in
Walang tamang katwiran sa taong sarado ang isipan.

Ang taong ayaw magpatalo sa paligsahan. Asahan mong pag natalo, ang Katwiran ay dinaya ito.

Ang taong pintasera lahat ng panget ang nakikita.

Ang relasyong magkalaguyo ay sweet na sweet na parang bukayo.

Ang babaeng salawahan, karaniwan ay napaglalaruan.

Ang nagmamaneho ng lasing, malamang na mahulog sa bangin.

Ang naninigarilyo sa loob ng sasakyang pampasahero wala paki sa kasakay nito.
Ang taong nananadya ang kilos ay ginagawa.

Ang naghahabol ng panalo ay lalong natatalo.

Ang estudyanteng matalino ay hindi marunong mangodiko.

Ang taong mahusay ay gumagawa ng paraan.

Hindi lahat ng matalino alam ang lahat sa mundo.

Ang gustong makatapos ng pag-aaral ay hindi nagbubulakbol sa paaralan.

Walang magaling na lalaki pag nasubukang tumatae.

Ang utot na matunog ang tenga ang inanabot.

Ang utot na walang ingay, siguradong umaalingasaw.

Ang bawal na pagmamahal karaniwan ay binibigyan ng supling na buhay.

Walang isang simcard na gamit, ang taong may kabit.

No comments:

Lotto Results

 
There was an error in this gadget

Today Quotes