Social Icons

Pages

Dec 9, 2007

Christmas na mabaho naman

Masarap damahin ang simoy ng hangin, damang dama mo na ang christmas ay darating. Ang lamig ng hangin, ibang- iba talaga pag magpapasko na.

Lalo na kung gabi hangang madaling araw, ang ihip ng hangin ay kay lamig. Sarap matulog ng bukas ang bintana, lalo mong maramdaman ang dampi ng hangin. Sa araw araw na papalapit na ang christmas, iba talaga ang pakiramdam.

Subalit hindi pala lahat ng tao ay nagagawang buksan ang kanilang bintana, lalo na kung kalusagan ang nakataya.

Ang nakakasulasok na amoy galing sa pabrika, ang nagiging sagabal upang pumasok ang ihip ng hangin sa kanilang bahay.

Sa halip na, natural air ang lamig na nararamdaman dulot ng christmas time ay ang artificial air na galing sa electric fan na lamang ang dumadampi sa kanila.

Sa tuwing sasapit ang pasko, ang ihip ng hanging ay malamig na mabaho.

Kaylan kaya masusulusyunan ang ganitong problema. Marahil kapag nagsara na ang pabrika.
Hinanaing ng isang pasahero ng jeep.

No comments:

Lotto Results

 
There was an error in this gadget

Today Quotes