Social Icons

Pages

Nov 11, 2007

No Smoking daw

Marahil ay nasaksihan morin ito sa iyong pang araw-araw na pag-sakay ng jeep sa inyong lugar.

Regular akong pasahero sa aming lugar ng jeep. Pagpunta ng bayan. Baba sakay, baba sakay pag-umaga at maging sa pagdating ng hapon.

Meron akong napansin na karatula sa bawat sasakyan na aking nasasakyan. itoy nasa loob malaki ang titik at basang-basa ng pasahero. "No Smoking".

Pero naninigarilyo ang driver. Minsan ngay nasasambit ko ang salitang "No Smoking". Pero tengang kawali, barado siguro ang tenga at may tutuli pa. Pero pag bayad ang sasabihin mo linis ng tenga dinig na dinig.

Ang buhay nga naman. No Smoking Daw

1 comment:

Anonymous said...

Madami dito niyan, may nakasabit pang no smoking, pero naninigarilyo ang driver

Lotto Results

 
There was an error in this gadget

Today Quotes