Social Icons

Pages

Nov 26, 2007

Hindi Magbabago

Tawagin mo na lang akong Jane. labing walong taong gulang noong nasa kolehiyo pa ko, nagsimula ang aking Kwentong ng pag-ibig.

Ang kwentong pagibig ko ay nagsimula ng second year college ako ng na met ko ang dalawang lalaki sa aking feasibility study subject. Syempre, kami'y nagkakahiyan pa dahil hindi pa lubos na magkakilala .Hindi kami naguusap sa simula, kahit nga ngitian man ay wala. MAgkasama kami sa grupo sa aming Feasibility study Project. Subalit ng hindi nagtagal ay kinailangan naming gustohin ang isat-isa kung hindi ay babaksak kami sa subject. Naging magkaibigan kami. Natatandaan ko nung una ng nagpatawa si Tarzan. Simula noon lalu kaming naging mabuting magkaibigan. Tawanan dahil sa nakababaliw na pagpatawa ni Tarzan. Samantalang ang isa naming ka Grupo na si Barok ay Siryoso. Nagpapasalamat ako sa pagkakaroon ng Ka grupo na opposite ang Style. Si Tarzan na Kenkoy at Laging Mapagpatawa at si Barok na seryoso.
Hindi nagtagal, nakaramdam ako na kakaiba, ibang tibok ng puso. Parang Nahuhulog ang loob ko kay Tarzan. Masaya pagkasama ko siya dahil sa pagiging mapagpatawa. Masaya siyang kasama.
Isang araw, Nakita kong may kasama siyang babae si Seana, maganda si Seana matangkad at maraming nagkakagusto. ewan ko ba bakit ganon, parang may kumukorot sa akin damdamin. Nagseselos ako. Syempre hindi ko, pinahalata kay Tarzan.

Isang araw, parang problemado si Tarzan, Malungkot na parang nalugi sa negosyo. Kaya dinamayan ko siya, linapitan. Ako naman ang nagpatawa kahit hindi ako Joker para mawala ang lungkot sa kaniyang mgamata. Hangang sabihin niya sa akin na binasted daw siya ni Seana. Alam mo natuwa ako sa nangyari pero hindi ko pinahalata, nagkukwentuhan kami marami kaming napagkwentuhan, hindi kalaunan ay bigla niya akong inakbayan, hinayaan kulang siya dahil, palagay ang loob ko sa kanya at gusto ko naman iyon.

Nang Kinagabihan, Iba ang aking pakirandam, lalo akong nag ka crush kay Tarzan. Marahil imahinasyon ku lang iyon. Simula noon parang ang gusto ko ay laging kasama si Tarzan. At ganon din siya sa akin.

Naisip ko nga na mayroon na kaming mutual understanding, iba kasi ang kinikilos ni Tarzan. Marahil baka nagkakamali lang ako.

Dumating ang araw ng mga puso. Lumapit sa akin si Tarzan. Hindi ko alam ko anong sasabihin. Sa isip-isip ko, pag niyaya niya ako ng Date . Matamis na OO ang Sagot ko.

At ganon nga ang nangyari, niyaya ako niya ng date at pumunta kami sa may Luneta. Habang naglalakad kami, inakbayan niya ko na para bang nasa langit ang aking pakiramdam habang naglalakad.
Kaya lang ay wala naman siyang sinasabi sa akin ng salitang I love you. Naisip ko minsan baka ginagawa niya akong pampalipas oras.

Hulog na hulog ang loob ko sa kanya, pero ano ang gagawin ko, dapat ko bang sabihin ang dapat kong marinig. Ako ba ang dapat magsabi sa salitang dapat kong marinig. Natapos ang date namin noon pero wala ang salita na aking hinihintay.
Madalas kaming magkasama, kahit natapos na kami sa aming project sa feasibility study at si Barok ay madalang na naming nakakasama. Kasi naman ay may pinopormahan na sa ibang Kolehiyo.

Isang araw ay niyaya niya ako, sa kanila. sumama naman ako dahil tiwala ako sa kanya. Nakaharap ko ang kanyang mga magulang. Alam mo lalo akong naging masaya ng sabihin niya sa kanyang Mommy at Daddy, si Jane po, Girlfriend Ko.
Naging Masaya kami, syempre minsan ay may tampuhan na nauuwi naman sa matamis na pagmamahalan. Maalalahanin si Tarzan lagi niyang pinakikita sa aking ang kanyang pagmamahal. Mapagpatawa na may halong kalokohan.

Nang matapos kami ng pag-aaral, Agad naman kaming nagkaroon ng trabaho. At hindi Nagtagal ay nagpakasal kami.

Ngayon ay masaya kaming nagsasama, may isang supling na si Boy.
Gusto ko sanang patugtuging mo yung Team song Namin ni Tarzan, Maki pindot mo na lang ang hyperlink. My Team Song

Salamat sa iyong matiyagang pagbabasa, Mulisana ay magbalik ka..

No comments:

Lotto Results

 
There was an error in this gadget

Today Quotes