Social Icons

Pages

Nov 12, 2007

Galit sa Anak

Isang Nanay ang galit na galit sa kanyang anak ng malaman na hindi ibinayad ng anak ang pang-matrikulang ibinigay nito. Nagwala sa galit ang Nanay. Nalaman lamang nito ng dumalaw sa paaralan at bayaran ang natirang balanse ng anak.

Laking gulat niya ng walang bayad ang para sa prelim at midterm na nagkakahalaga ng libo-libong pera, tanging promisory note lang po ang bayad ng anak ninyo. ang wika ng accountant.

Pinayuhan na lamang ng accountant ang nagwawalang nanay. Hingin po ninyo ang resibo sa inyong anak sa tuwing nagbibigay kayo ng pera na pang bayad, o kaya po ay kayo na mismo ang magbayad.

Sa ngayon po ay pwede po kayong magbayad sa bangko para sa account ng inyong anak. Marami na pong school ang gumagawa ng ganyan paraan upang maiwasan ang pagdadala ng malaking pera ng inyong anak.

Makipag alam lang po kayo sa amin.

No comments:

Lotto Results

 
There was an error in this gadget

Today Quotes