Social Icons

Pages

Nov 23, 2007

Balesawsawin

Marahil kung ako lang ay hindi naging papalit palit ng course sa kolehiyo ay nakatapos ako. Kung tinapos ko muna yung unang course na Nursing. Sana'y isa na akong registered Nurse. Hindi naman ako bumaksak sa bawat subject matatataas pa nga ang grade ko.

Buti pa ang mga kaklase noon, mas matalino pa ko sa kanila, ngayon nasa ibang bansa na, they earn dollar. Kung bat nag shift pa ako ng course na accounting, tapos Engineering. Tuloy hindi ako nakatapos, miski isa. Sana huwag nila akong tularan.
Kung ano ang unang kurso kinukuha taposin muna nila, at saka sila mag-enrol ng iba. Iba ang may titulo. Malaki ang chance na magkaroon ng magandang trabaho. At ma promote pa. Kung hindi ako naging balesawsawin. Siguro ay dollar earner na din ako. At tinatawag na bayani.

No comments:

Lotto Results

 
There was an error in this gadget

Today Quotes